Skip to main content

Ang Impluwensya ng Internet at Social Media sa mga Tao





Internet – ang pinakamalaking aklatan ngayon at walang iisang teksbuk ang makakatapat dito.Ang Internet ay mula sa dalawang pinagsamang salita na inter at networking. Social Media - Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network.


Tulong ng Internet at Social Media: SOCIAL MEDIA : Ang social media ay isang tulay na nagdudugtong sa akingnakaraan: -sa mga taong nakapagbigay ng impluwensya sa akin -Sa mga lugar na nagbigay ng masasayang alaala -mga karanasang nagturo ng bagong kaalaman -Ang social media din, ay tulay na nagdudugtong sa akin sakasalukuyan: -sa aking mga mahal sa buhay na hindi ko kasama -mga kaibigang nasa malayong lugar -mga pangyayari sa aking bayang kinamulatan at kasalukuyang kinaroroonan -kamalayan sa mga nagaganap sa ibang panig ng daigdig -pagbabahagi ng bagong ideya o kaisipan -At idinudugtong din ng social media ang kasalukuyan sa hinaharap sa pamamagitan ng: -mga impormasyon tungkol sa makabagong teknolohiya -mga balita tungkol sa mga pagbabagong makaka-impluwensya sa hinaharap -mga matututunang kaalaman na makapagpapa-unlad sa aking kinabukasan -Pinalawak, pinadali, pinatipid ng social media ang paraan ng komunikasyon at pagbabahagi ng impormasyon. Isang mabuting bagay ito para sa ating mga gumagamit. INTERNET
-Mahalaga ang internet sa mga mag aaral dahil ito ay laging maasahan at marami itong naiitutulong at napapadali nito ang mga Gawain ng mga mag aaral. Sa tulong nito ay napapadali nito pagkuha ng mga mag aaral ng mga impormasyon na kailangan ng mga mag aaral sa kanilang mga asignatura at mga pananaliksik. -Ang Internet ay isang paraan para sa isang mas mahusay na bukas dahil maaari kang maghanap para sa isang mas mahusay na mga pamamaraan at alituntunin para saiyo na magkaroon ng isang mas mahusay na hinaharap. Nadadagdagan rin ng internet ang ating kaalaman tungkol sa mga bagay at salita na di natin alam at naiintindihan.Sa loob at labas ng silid-aralan ay maaring makipag-uganayan ang mga guro sa mga magaaral para sa pakikipag-talastasan. -Sa tulong ng Google at ay napapadali ang ating paghahanap ng mga kaalaman na ating magagamit sa paggawa ng mg proyecto. Sa tulong nito ay medaling natatapos ng mga estudyante ang kanilang mga Gawain at natutulungan rin tayo nito na maintindihan ang mga paksang tinalakay na guro di natin naintindihan sa klase.

Comments

Post a Comment